Poetry | 20 | Bitaw Na.

Mahal kita.
Sinasabi mo 'yan noong tayo'y okay pa.
Pinaramdam mo sa'kin 'yan noong tayo'y nasa simula pa.
Pinahawak mo sa'kin 'yan noong tayo'y matatag pa.
Pareho nating yakap 'yan habang tayo'y naglalakad,
pero bigla kang nag-iba.
Lumiko ka sa ibang daanan,
iniwan mo akong nakatulala.
Dala-dala mo ang salitang mahal kita,
iniwan ang salitang bahala ka.
Inikot ko pabalik ang orasan para bumalik sa simula.
Pero walang nagbago…
dahil ikaw ay tuluyan nang nawala.
Hanggang sa nagising ako isang umaga muli kong nakita ang iyong mahal kita.
Pero bakit ito'y naging patalim na, na tila tumutusok sa akong dibdib.
Hindi ko mahawakan dahil puso ko'y sumasakit.
Pilit kong inalam saan nanggagaling ang hapdi…
Ipinikit ko ang aking mga mata…
Dahan-dahang inalala ang sanhi…
Dumating na ang oras.
Nariyan na ang mga luha sa aking mga mata.
Mga matang ayaw nang lumingon pa sa lumipas dahil takot na muling masaktan pa.
Lalakad na lang ako palayo…
Palayo sa'yo kahit mahal parin kita.
Kahit na binalikan mo parin ako.
Doon na lang tayo sa magkabilang dulo,
sige na.
Bumitaw na tayo.
Mahal kita pero takot na ako.
Takot na akong madurog muli itong puso ko.
Dahil alam kong kahit sinabi mong mahal kita,
Ang ibig sabihin noon ay minahal lang kita.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s